Ginintuang Tanawin LYRICS

Rate this post

Ginintuang Tanawin‘ is a Filipino Song sung by Marc Alfaro. Ginintuang Tanawin Lyrics are below:

Ginintuang Tanawin Lyrics

Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
litong-lito sa pulso ng nararamdaman
‘Di mawari kung ito’y isang panaginip
tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan


Sa liwanag ng araw ikaw ay nariyan magkatabi’t sinisilayan ka
Di na alam naguguluhan tuwing kasama kita sa
Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko sa pag-ihip ng hangin


Kasabay ng awitin ramdam ang palad mo
Sana’y dinggin ang dalangin ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
Sumisilip ang tinatagong kagustuhang makasama ka’t manatili sana sa iyong tabi

READ MORE: Sukdulang Biyaya LYRICS


Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti hihiling na lang na sana’y
ako man lang ay iyong tignan
Sa liwanag ng araw ikaw ay nariyan magkatabi’t sinisilayan ka
Di na alam naguguluhan tuwing kasama kita sa


Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko sa pag ihip ng hangin
Kasabay ng awitin ramdam ang palad mo
Sana’y dinggin ang dalangin ang aking hangaring mahalin mo rin ako


Kulay kahel na langit nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
Nagtatanong ang aking isipan nais mo rin ba akong mahagkan
Hanggang dito na lang ba ang ating pagkakaibigan
Ginintuang tanawin sa ilalim ng langit sana’y malaman mo


Sa pag ihip ng hangin sasabay ng awitin ramdam mo ba ako
Sana’y dinggin ang dalangin ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit hindi mapipilit mabigyan ng pag-ibig mo

Related:   Ang Panginoon ang aking Pastol LYRICS
SongGinintuang Tanawin
Music byn/a
Lyricistn/a
SingerMarc Alfaro
AlbumGinintuang Tanawin
LabelYoutube

If You found any mistakes in the lyrics, please let us know in the comments. We’ll approve your comment with a reply and check back on it. Thank You!

Share with Your Friends!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *